Add parallel Print Page Options

29 Gagawa ka ng mga pinggan niyon para sa insenso, at ng mga banga at mga mangkok na pagbubuhusan; na iyong gagawing lantay na ginto.

30 At(A) ilalagay mo sa hapag ang tinapay na handog sa harap ko palagi.

Ang Ilawan(B)

31 “Gagawa ka ng isang ilawan na lantay na ginto. Ang paa at tangkay ng ilawan ay yari sa pinitpit na ginto; ang mga sanga, ang mga kopa niyon, at ang mga bulaklak niyon ay isang piraso.

Read full chapter